Barbie & Jak copy

‘NAKABAKOD’ si Jak Roberto habang iniinterbyu si Barbie Forteza sa set ng Meant To Be kaya biniro sila kung “kayo na ba?” lalo na’t napabalita na nag-date sila noong wala silang taping during the holidays.

Si Jak ang tinanong namin kung sila lang bang dalawa ni Barbie ang magkasama, na mabuti’t pinayagan ng parents nito.

“Inimbita ko po talaga ang parents ni Barbie at pumayag sila,” sabi ni Jak. “Pero nu’ng last minute, hindi sila p’wede kaya sabi kami na raw lang ni Barbie ang lumakad.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Matagal na po akong hindi nakalalabas, kahit manood lang ng sine, kaya po nilubos na namin ni Barbie, tatlong movies ang pinanood namin, nag-start kami ng 2:00 PM, natapos kami ng 12:00 midnight, kasi nag-dinner pa kami at pareho pala kami ni Barbie na mahilig sa stars, kaya nag-stargazing pa muna kami. Nag-enjoy po kami nang husto.”

So, nanliligaw ba siya kay Barbie? O sila na?

“Hindi po, talagang magkaibigan lang kami ni Barbie, matagal na kaming magkakilala sa GMA, ilang shows na rin kami nagkasama at dito sa Meant To Be, lalo kaming naging close, comfortable na magkasama. Kung kami po ni Barbie, hindi ko ipu-post iyong lakad naming dalawa, gagawin ko pong private iyon, pero gusto ko ring i-share sa JakBie fans kaya ‘pinost ko.”

Sa takbo ng story ng kanilang rom-com, may kambal palang anak ang character ni Yuan (Ken Chan) at dahil sa friends silang apat nina Ethan (Ivan Dorschner) at Jai (Addy Raz), silang apat ang tulung-tulong na nag-aalaga sa kambal.

Kung magkakaasawa na siya, kakayanin ba niyang magkaanak ng kambal?

“Opo, kasi may lahi po kaming kambal, ang nanay namin ni Sanya (Lopez), may kakambal; iyong isang tito namin, may kakambal din, kaya hindi po malayong magkaroon din ako ng anak na kambal.”

Kung noon as Andoy ay torpe siya sa panliligaw kay Billie (Barbie) nag-level up na raw ang character niya, hindi na siya torpe at lumalaban siya kina Yuan, Ethan at Jai sa panliligaw. May backers pa siya, ang kanyang Lola Madz (Gloria Romero), Tito Rick (Ronaldo Valdez), ang tatay niya (Jay Manalo) at lolo (Roi Vinzon) plus siya rin ang gusto ni Amanda (Manilyn Reynes) na nanay ni Billie.

Overwhelmed si Jak na nakakatrabaho niya ang veteran actors.

Sa palagay ba niya, sila ni Billie ang magkakatuluyan sa finale ng romcom series?

“Hindi ko po alam although lahat po kami may kani-kanilang group of fans at siyempre, gusto nila ang kanilang team ang manalo sa ending ng serye namin. Iyon po ang hihintayin natin.”

Napa-panood ang Meant To Be gabi-gabi pagkatapos ng Destined To Be Yours. (NORA CALDERON)