Mga Laro ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

12 n.t. -- NU vs ADMU (Men Finals)

3 n.h. -- Awarding Ceremony

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

4 n.h. -- DLSU vs ADMU (Women Finals)

NAKAAMBA na ang palaso ng De La Salle Lady Archers at kung hindi magmimintis sa target laban sa Ateneo Lady Eagles, makakamit ang ika-10 titulo sa UAAP women’s volleyball.

Ganap na 4:00 ng hapon ang pagtutunggali ng Lady Spikers at Lady Eagles sa Araneta Coliseum.

Nakahakbang palapit sa inaasam na back-to-back championship ang Lady Spikers matapos talunin Lady Eagles sa Game 1, 21-25, 29-27, 25-22, 25-20, nitong Martes.

Ito ang unang panalo ng La Salle sa Ateneo sa Season 79.

Para kay last year’s Finals MVP Kim Dy, kailangan ng De La Salle na ibuhos lahat ng kanilang makakayanan at huwag bigyan ng tsansa ang Ateneo ng pagkakataong mahatak ang series hanggang deciding Game 3.

“Given that we beat them, we should not be overconfident and improve for the better,” ani Dy na tumapos na may 14 puntos sa Game 1.

“We are excited to defend the crown and hopefully this is our last game,” aniya.

Bago ang laro, pararangalan sa isang simpleng awards rites ang mga individual awardees na pinangungunahan ni season MVPs Majoy Baron ng De La Salle at Marck Espejo ng Ateneo ganap na 3:00 ng hapon.

Mauuna naman dito, tatangkain ng Blue Eagles na makumpleto ang season sweep sa muli nilang pagtutuos ng National University sa Game 2 ganap na 12:00 ng tanghali (Marivic Awitan)