PAOLO AT LJ copy copy

SABI na nga ba at may magre-react sa post ni Paolo Contis tungkol kay Sen. Tito Sotto at sa pagpuri niya sa kanyang girlfriend na si LJ Reyes.

May pumansin kay Paolo dahil dapat hindi lang daw si LJ ang pinuri niya kundi pati na si Lian Paz na ina ng kanyang dalawang anak.

Kay LJ ipinarating ng isang netizen ang comment para kay Paolo at sabi nito, “LJ ang bf mu ngaun iniwan at hindi pinanindigan ang gf nya dati at mga anak nya mybe he support them financially pero inano nya pa rin ung eb babe... so lahat ng tao ngkakamali wag na lang over reaction na may maipost lang at makiuso...”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sagot ni LJ: “hi! Just saying how proud I am to be a mother to my son. I think you are too right? And let’s not share hate but love! Posted this to boost confidence of other women like me. Kaya no need for misaligned stories.”

Pinuri si LJ sa kanyang sagot at para mamatay na ang isyu, hindi na binanggit si Paolo at ang post nito.

Samantala, mapapanood sina LJ at Paolo sa SNBO bukas ng gabi sa special na 3 Days of Summer. Nagpunta sila sa Davao Oriental para sa segment nila sa show na produced ng GMA News and Public Affairs.

Sa behind-the-scene footage na nakita namin, sumakay sila sa armoured car, humawak ng baril, at nag-skim board.

Siguradong maraming tawa at masaya ang segment ng real life couple sa 3 Days of Summer. (Nitz Miralles)