Richard-Reynoso-A copy

SI Daniel Padilla nga ang tinutukoy ni Richard Reynoso sa kanyang post sa Facebook tungkol sa isang performer sa katatapos na grand coronation night ng Bb. Pilipinas?

“Halehalehoys!!! Iba na talaga ang panahon ngayon. Dati, pag kumakanta ka sa ‘beauty pageant’ hinaharana mo ‘yung mga kandidata and make them feel na sila ang pinakamagandang babae at that very moment. Ngayon, mukhang backdrop na lang ang mga kandidata at di na din yata required na nasa tono ka sa pagkanta, nuba?! #binibiningpilipinas2017 #walanamangganyanan #sobrang dismayado #ginawangvideokeangbigdome #ibanatalagangayon #wasak #walanabangiba.”

Marami ang nag-comment at nag-agree sa post ni Richard at may nagtanggol naman kay Daniel. Dapat daw ang organizer ang sinisisi at hindi si Daniel.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Nakumpirmang si Daniel ang tinutuligsa ni Richard sa mga sagot niya sa comments, tulad nito...

“Oh no, second nega status about his singing.”

Richard: “You should check out Twitter right now. I’m sure pinagpipistahan na siya ngayon.”

“Oh no.”

Richard: Hmmm, twice nag-change key... baka ‘yung music ang nagkamali. Lol.”

Sa isa pang komento, ganito naman ang sagutan:

“Oo nga, e. mas pa-cute pa kasya sa candidates.”

Richard: ‘Tsaka what’s up with the dark glasses?! Gabi naman ‘yung event, eh. Naman.” (NITZ MIRALLES)