HINDI pa man nag-iinit ang suot na flyweight belt, kaagad na iniutos ng International Boxing Federation (IBF) kay Donnie ‘Ahas’ Nietes na idepensa ang titulo bago ang Oktubre 29.

Binati ng IBF na nakabase sa New Jersey sa United States si Nietes sa pagkopo ng ikatlong kampeonato sa iba’t ibang dibisyon pero kasabay nito ay iniutos na magdepensa siya sa idedeklarang mandatory challenger na posibleng si Juan Carlos Reveco ng Argentina.

Ayon sa promoter ni Nietes na si ALA Promotions President Michael Aldeguer,gusto talaga ni Nietes ang unification bout sa mga kampeon ng WBC, WBA at WBO pero uunahin nito na magdepensa ng korona.

“We were looking to unify titles, but now we will have to honor this letter from the IBF first,” sabi ni Aldeguer sa Philboxing.com. “We are waiting to see who will be named mandatory challenger and work from there.” (Gilbert Espeña)

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe