Boy abunda copy

ISA sa mga tatak ni Boy Abunda bilang TV host ang tinatawag niyang “imaginary mirror” na muli na naman niyang inilabas sa guesting niya sa Magandang Buhay earlier this week.

Kuwento sa amin ng King of Talk, para siyang ‘naghubad’ sa naturang show nang ilabas niya ang mga nakatago pa niyang sariling kuwento.

Una raw niyang binigyan niya ng pagpapahalaga ang kanyang inang si Nanay Lesing.

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

Sa pagkukuwento tungkol sa ina, hindi na niya naiwasang bumigay agad. Kapag nanay ang pinag-uusapan, lumalabas daw agad ang kanyang pagiging iyakin.

Nagbigay din ng mensahe si Boy Abunda kay Bong Quintana, ang mahigit tatlong dekada nang kasama niya sa buhay.

Diretsahan niyang sinabi na ayaw niyang mauna siyang bawian ng buhay bago pa man si Bong.

Katwiran niya, tiyak na magiging mahirap ang buhay niya at labis nagiging masakit sa kanya kung mawawala sa piling niya si Bong Quintana.

At kung sakaling bawiin na ng Diyos ang hiram na buhay, walang ibang puwedeng umangkin ng kanyang mga labi kundi si Bong.

“Not even my own family can claim and bury my body,” sabi pa ni Boy.

Ang statement niyang ito ay nais niyang maibahagi sa buong lipunan. Wala raw kasing batas sa ating bansa na nagsasaad na ang mag-partner with the same sex na may karapatan na magpalibing sa bangkay ng kanilang lover.

Sabi pa ni Boy Abunda, ang LGBT members daw kahit nagturingan nang mag-asawa kapag binawian na ng buhay ang isa ay siguradong pamilya ang may karapatang mag-asikaso ng bangkay. Ang may karapatang magpalibing ay ang pamilya pa rin at hindi sa ka-partner. Kaya ngayon pa lang, nililinaw na niya ang sitwasyon nila ni Bong.

Samantala, halos magkasabay na isinugod sa ospital ang nanay ni Kuya Boy at manay din ni Bong. Mayroong matinding karamdaman ang Nanay Lesing ng TV host na may isang buwan nang naka-confine sa St. Luke’s Global.

Ito raw ang dahilan kung bakit ang kanyang Tonight With Boy Abunda ay naka-tape in advance ang episodes. Pero ngayon daw ay pareho nang stable ang kalagayan ng ina niya at ng ina ni Bong.

Incidentally, after ng kanyang guesting sa Magandang Buhay, may natanggap kaming balita na magiging co-host na rin daw si Boy Abunda sa naturang show. (JIMI ESCALA)