UMINGAY ang cyberworld dahil sa naging reaksiyon ng publiko sa mga tanong ni Sen. Tito Sotto sa pagiging solo parent ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Judy Taguiwalo. Halos lahat ng status, tungkol sa “naano lang”.
Sabi ni Sen. Tito, nagbibiro lang daw siya at hindi niya ginustong makasakit dahil may mga anak din siyang single parents.
Pero kahit nag-sorry na, marami pa rin ang nag-react, pati na ang mga taga-showbiz na kung hindi man solo parent ay mag-isang pinalaki ng kanilang ina. Hindi talaga nagustuhan ang kanyang statement. Sa Twitter inilabas ng mga celebrity ang pagkadismaya kay Sen. Tito.
Lea Salonga: “For those that look down upon these beloved ladies, there’s a special place in hell for the likes of you. My husband was, for much of his upbringing, raised by a single mother. I curse anyone that sees women like her as ‘less than’. For much of my growing–up years, my mother was a single mother. I curse anyone and everyone that sees women like her as ‘less than’.”
Vice Ganda: “Anung ganap? Bakit parang nagkakaanuhan? Anu na? May naano ba? Sinong nang-ano? ‘Wag kayong ano jan, ha!”
Janine Gutierrez: “My respect to all the single mothers who take on the immense responsibility of successfully raising children on their own.” Nag-post din si Janine ng, “Absolute trash.”
Claudine Barretto: “Senator Tito Sotto I am a single mother of 2 and I’m proud of myself and I have so much respect para sa lahat ng single mothers na tumatayong nanay at tatay. Para sa akin bayani ang mga single mother, wala ho kaming dayoffs, suweldo o benefits bilang isang single mother, ninong namin kayo ni Raymart sa kasal namin so siguro naman po alam ninyong hindi ako NAANO LANG!!!”
Lauren Young: “I too was raised only by my mother at one point in my life and trust me it’s no joke. She’s got more substance, spunk and smarts than you do. Sotto making fun of single parents this time? I mean, how many uneducated statements can you make before you actually learn to shut up.”
Paolo Contis: “Ang alam ko sa joke dapat nakakatawa... hindi nakaka-offend... Single motherhood should not be joked about... Well, what can I expect, hindi ka nga pala magaling magpatawa kahit kailan... @lj_reyes is one great mother and I am very proud of her! Malamang mas lalaki pa siya kesa sa ‘yo!”
LJ Reyes: “I am a proud single mom to my son, Aki! I think it’s time to stand up for all the women who singlehandedly raise their child(ren)! No matter what people say! Respect begets respect! God bless you.”
Jennylyn Mercado: “I have high respects for my fellow solo parents by choice or by force. Mahirap dahil mag-isa, pero lahat kinakaya dahil sa love sa anak.”
Bianca Gonzalez: “Mabuhay ang mga solo parents, iba ang lakas at katatagan ninyo. Thank you, Sec. Judy Taguiwalo for introducing to us the term ‘solo parent’ as opposed to ‘single parent’. Mas tama. Mas swak.” (NITZ MIRALLES)