PINARANGALAN sina Kurt Russell at Goldie Hawn sa special double Walk of Fame star ceremony sa Hollywood nitong Huwebes, at nauwi ang masayang okasyon sa wonderfully emotional experience para sa longtime lovers.
Pagtapos ng mga pagdiriwang, nakausap ng ET ang cute couple, at pinagnilayan ang engrandeng okasyon, na kabilang sa mga nagbigay ng madamdaming talumpati ang kanilang anak na si Kate Hudson, at ang aktres na si Reese Witherspoon, na ikinaiyak ni Goldie.
“It was tears of joy,” ani Goldie. “(I have) so much respect for the girls and it mattered to me what they said, a lot.”
Sina Goldie at Kurt ay nagkaligawan noong 1983 habang ginagawa ang kanilang romantic WWII period drama na Swing Shift, at hindi na naghiwalay simula noon, ngunit hindi sila nagpakasal.
Sinabi ng couple na nagbiro ang kanilang mga kaibigan at kapamilya na ang star dedication na ito ay para na rin nilang wedding ceremony, at sinabi ni Russell na sa katunayan ay nagsulat siya ng “something that was along (the) lines” ng vows, ngunit hindi na lamang ito binasa.
“Everyone always ask the same question,” sabi ni Goldie, na ang tinutukoy ay kung magpapakasal ba sila o hindi. “We are kind of having fun with it.”
Hindi man sila kasal, ngayon ay magkatabi naman silang na-immortalize sa Hollywood Walk of Fame, at habambuhay nang magkaugnay.
“No one is going to dig that up,” sabi ni Goldie tungkol sa kanilang honorary stars. “I don’t think so.”
“There’s nothing you can do about it, so you better get along,” sambit ni Kurt.
Nagkuwento rin ang couple tungkol sa kanilang mahabang love affair, at kung paano nila sinisikap na maging matagumpay ang kanilang pagsasama at mapabuti ang kanilang buhay at sarili.
“You can’t just go along and say, ‘(This) is the way I am, so whatever’,” sabi ni Goldie. “No, you really try and be better and better.” (ET)