Miley cyrus copy

SINABI ni Miley Cyrus na lumayo na siya sa marijuana, alak at nipple pasties at maglalabas ng bagong tunog na makatutulong upang seryosohin siya ng mga tao matapos ituring na isa sa bad girls ng pop music.

Sa panayam ng Billboard magazine na inilathala nitong Miyerkules, sinabi ng dating Disney star, 24, na nais niyang maging “super clear and sharp” sa bagong koleksiyon ng mga awitin na magdadala sa kanya pabalik sa country music na kanyang pinagmulan.

“I haven’t smoked weed in three weeks, which is the longest I’ve ever (gone without it). I’m not doing drugs, I’m not drinking, I’m completely clean right now! That was just something that I wanted to do,” ani Miley.

Mga Pagdiriwang

Malacañang, idineklarang regular holiday ang Abril 1

Ilalabas ng singer ang kanyang bagong single na Malibu sa Mayo 11, na ayon sa Billboard ay love song na inspired ng kanyang fiancé na si Liam Hemsworth. Naghiwalay sila noong 2013 at nagkabalikan nitong nakaraang taon.

Iwinaksi ni Miley, sumikat sa Disney Channel show na Hannah Montana, ang kanyang inosenteng imahe noong 2013, umaming gumamit ng droga at lumabas nang halos hubo’t hubad sa publiko at sa kanyang mga music video.

Naging laman siya ng balita nang magsuot siya ng latex lingerie at nag-twerk sa entablado kasama ang R&B singer na si Robin Thicke sa 2013 MTV Video Music Awards, kaya siya binansangang bad girl ng pop music.

Ang kanyang bagong album ay maglalaman ng mas maraming acoustic songs at melodies na isinulat mismo niya, at kabibilangan ng awitin para kay Hillary Clinton, na sinuportahan niya nitong nakaraang U.S. presidential election, at isa pang anthem na iniaalay niya sa mga nagtatrabahong kababaihan, ayon sa Billboard.

Tinalakay ang pulitika, sinabi ni Miley, isa sa mga hurado sa NBC reality singing show na The Voice, na nais niyang mapalapit sa kanyang mas konserbatibong fans.

“I like talking to people that don’t agree with me, but I don’t think I can do that in an aggressive way,” sabi ng singer.

“I don’t think those people are going to listen to me when I’m sitting there in nipple pasties, you know?” dugtong niya. (Reuters)