Basil Valdez copy copy

IPINAGDIRIWANG ni Basil Valdez ang kanyang 40th year as recording artist at isa sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng Original Pilipino Music (OPM).

Sa kanyang concert na Basil Valdez @ Solaire ay pawang mga awitin niya ang itinampok kabilang na ang Ngayon at Kailanman, Hanggang sa Dulo ng Walang Hanggan, Hindi Kita Malilimutan, Iduyan Mo, Nais Ko, Sana ay Ikaw Na Nga at mga walang kamatayang movie themes ng dekada 80. Very special ang event sa participation ni Sharon Cuneta.

Tribute ang concert sa mga de-kalidad na composers na nakatrabaho ni Basil tulad nina George Canseco, Willy Cruz, at Ryan Cayabyab.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

Record-breaking na maituturing ang total of 24 songs na nilikha ni Canseco para kay Basil with Ryan as music arranger.

Kamusta na ang boses ni Basil kung ikukumpara noong dekada 70 at 80?

“A singer’s voice lalo na sa kalalakihan ay parang alak na habang tumatagal ay sumasarap. You become a better performer dala ng karanasan. May adjustment kung hirap akong abutin ang high notes. Hinihiling kong ibaba ito,” sagot ng premiere balladeer ng bansa.

At 65, walang balak si Basil na magretiro sa pagkanta. (REMY UMEREZ)