MALUGOD na tinanggap ng Philippine Chamber of Telecommunications Operators ang isang bagong pag-aaral tungkol sa kalagayan ng industriya ng telecommunications sa Pilipinas na maaaring makatulong sa gobyerno upang mapagbuti pa ang mobile services sa bansa.

Inilarawan ng pag-aaral na “Assessment of the Structure, Conduct, and Performance of the Philippine Telecommunications Industry” ng propesor ng University of the Philippines na si Prof. Emeritus Dr. Epictetus Patalinghug, ang lokal na merkado ng telco bilang matatag at binigyang-diin ang mga hadlang sa pagpasok ng ikatlong panig sa industriya.

Sinabi ni Philippine Chamber of Telecommunications Operators Chairperson Eric de los Reyes na ang nasabing pag-aaral lamang ang nag-iisang naglahad ng tunay na sitwasyon ng industriya.

“The study anchored on economic principles and covered all aspects of the industry which can help our legislators, regulators and policymakers in improving the state of Philippine telecommunications,” sinabi ni De los Reyes sa isang pahayag.

Ayon kay Patalinghug, kabilang sa mga hadlang sa pagpasok ng isa pang panig sa industriya ng telco ay ang pangangailangan sa isang congressional franchise, spectrum availability, malaking kapital, at iba’t ibang lisensiya at permit mula sa iba’t ibang sektor ng pamahalaan.

Sinabi ni De los Reyes na ang mga hadlang na ito ang posibleng dahilan kung bakit walang bago at malaking telecom company ang namuhunan sa bansa sa nakalipas na 15 taon, bagamat may mga nagtangka ngunit hindi naman nagtagal.

“From the business perspective, putting up a huge amount of money late in the game may not be viable, considering that there is no immediate profitability due to the huge capital expenditure needed to build up the infrastructure and the high cost to maintain the operation annually in order to be competitive against incumbent players,” ani De los Reyes.

Gayundin, mas magastos ang paghimok ng bagong subscriber para sa isang baguhan sa industriya.

“The massive capital requirements to bridge the gap that the two existing telcos have already built over the last few decades make the market not viable for the entry of a new player,” sabi naman ni Patalinghug.

“Our analysis is that a third player can enter the market if it is cost-insensitive for the next 10 to 15 years. No private firm can afford that.” (PNA)