ROMEO VASQUEZ copy

PUMANAW na ang isa sa mga matinee idol ng Philippine cinema na si Romeo “Bobby” Vasquez nitong nakaraang Martes. Siya ay 78.

Kinumpirma ng kanyang apo na si Alyanna Martinez, ang pagpanaw ng beteranong aktor sa pamamagitan ng sunud-sunod na posts sa Instagram.

“I love you Lolo Bobby. Say Hi to Mama for me. Why are the good ones always gone too soon,” aniya sa isang post.

Balitang Pag-Ibig

National Boyfriend Day? Ilang viral wedding proposals na inulan ng Sana-all!

“Reunited now in heaven with Mama on her 32nd wedding anniversary #LoloBobby,” saad ni Alyanna sa caption na inilagay sa litrato ni Romeo kasama ang kanyang inang si Liezl Martinez.

Si Liezl, anak ni Romeo sa dating aktres na si Amalia Fuentes, ay pumanaw sanhi ng kanser noong 2015.

Nagpahayag din ng kalungkutan ang ama ni Alyanna na si Albert Martinez, sa pamamagitan ng Instagram, “My Father-in-law. My best friend... you will be missed… gone to soon.”

Si Romero Vasquez ay nagbida sa maraming pelikulang Pilipino simula noong 1950s tulad ng Pretty Boy (1957), Mars Ravelo’s Maruja (1967), Ako Ang Maysala (1958), and Sapagkat Ikaw Ay Akin (1965).

Ginawaran siya ng maraming parangal kabilang ang ilang FAMAS Best Actor sa kanyang mahabang career sa pag-arte.

Ang ilan sa mga huling proyekto niya ay ang Vizconde Massacre noong in 1994.

Nagdiwang siya ng kanyang ika-78 kaarawan nitong April 9. (MB Entertainment)