NANANAWAGAN ang mga siyentistang Australian ng mga hakbangin matapos matukoy sa isang bagong pag-aaral kung paanong dahil sa pagkakalbo ng kagubatan ay maraming hayop sa mundo ang unti-unting naglalaho.

Nagbabala ang mga mananaliksik sa Macquarie University sa Sydney na nakalantad sa matinding panganib ang lahat ng hayop sa mundo, mula sa mga paru-paro hanggang sa mga palaka at butiki.

“The amount of expected extinction is really high, I think the scientific community should find the result disturbing,” sinabi kahapon ni Associate Professor John Alroy sa Xinhua news agency.

“Previously, research has focused on a local extinction, but what is new about this research is that it’s not about a local or small forest but about complete extinction globally,” dagdag pa ni Alroy.

Night Owl

Isang pribilehiyong maging bahagi ng 125 taong kasaysayan ng Manila Bulletin

Ang kagubatan ang tahanan ng halos lahat ng uri ng halaman at hayop, at ayon sa mga natuklasan ng pag-aaral, ang paggambala o pagpinsala sa ecosystem nito ay maaaring magdulot ng nakasasama at matinding epekto.

“A mass extinction could have happened right under our noses because we just don’t know much about the many rare species that are most vulnerable to extinction,” sabi ni Alroy.

Mahigit sa kalahati ng mga uri ng halaman at hayop sa mundo ay matatagpuan sa kagubatan, bagamat binubuo lamang nito ang sampung porsiyento ng kalupaan sa Earth.

Dahil dito, nagmungkahi si Alroy na pinakamainam na solusyon sa nakaambang problema ang lumikha ng mas maraming lugar na mapoprotektahan laban sa pagkakalbo ng kagubatan at iba pang pag-abuso o aktibidad ng tao na nakapipinsala rito.

“A lot more field work needs to be done in the tropics and the time to do this is now,” sabi ni Alroy. (PNA)