Gardo Versoza A1 copy

NAGKAROON ng freak accident si Gardo Versoza sa taping ng Destined To Be Yours na pinagbibidahan nina Alden Richards at Maine Mendoza sa location nila sa isang art museum sa Angono, Rizal nitong nakaraang Lunes ng gabi.

Ang eksena, may confrontation scene si Gardo as Teddy, ama ni Sinag (Maine) at si Lolo Vicente (Tommy Abuel). Galit si Teddy kay Lolo Vicente (lolo ni Benjie/Alden) na siya raw dahilan kaya naghirap ang kanyang pamilya nang kamkamin nito ang lupain nila sa Pelangi, kaya napilitan silang lumuwas ng Maynila dahil wala na nga silang matitirahan doon.

Sa pagtatagpo nina Teddy at Lolo Vicente, pinagbantaan ni Teddy si Lolo Vicente na hindi pa sila tapos at magkikita pa silang muli.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Pregnancy and Infant Loss Remembrance Day, kailan nga ba nagsimula?

Hindi mapapayagan ni Lolo Vicente na kayanin lamang siya ng isang mahirap at walang alam na tulad ni Teddy.

Pinaimbestigahan niya si Teddy at nalaman niyang isa itong iskultor at may exhibit na gagawin sa isang art museum.

Binayaran niya ang may-ari ng museum at inutusang huwag hayaang matuloy ang exhibit at huwag ding ipabenta ang mga obra ni Teddy.

Sa muling pagtatagpo ng dalawa sa art exhibit, minaliit ni Lolo Vicente si Teddy at sa pag-aakala niyang guguluhin ni Lolo ang kanyang exhibit, nagalit si Teddy at sinugod niya ito.

Kita ng mga nasa taping ang nangyari nang sa pag-atras ni Gardo ay na-off-balance siya at bumagsak sa sahig, at tumama ang ulo.

Conscious naman daw si Gardo nang dalhin agad sa hospital.

Nang magamot na, si Gardo na rin ang nag-post sa kanyang Instagram account na @gardocupcake ng, “Humampas po nang bonggang-bongga ang ulo ko sa sahig sa eksena namin ni Vicente kaya hayun, akala ko, basag bungo ko cupcake, nagdilim ang paningin ko.

“Aksidente po cupcake, nadala naman po ako agad sa ospital at awa ng Diyos wala namang crack sa skull... siguro kasalanan ko rin kasi I’m always intense and I always give my 101%. Pinagtatapon po kasi ni Vicente mga obra ko cupcake kaya ko siya sinugod.”

Dagdag pang biro ni Gardo para siguro hindi mag-worry ang DTBY fans na nag-comment ng “get well soon,” “ingat kayo cupcake,” muli siyang nag-post ng, “had a very bad fall, slammed my head, literally VERSOZA ON THE FLOOR. Thank you, LORD, no crack in d skull, thanks cupcakes.” (Business ni Gardo ang paggawa ng masasarap at iba’t ibang klaseng cupcakes na hindi matatagpuan sa malls, personal orders lang ang tinatanggap niya kaya lahat ay tinatawag niyang cupcake.)

Mula sa amin dito sa Balita, ingat lagi @gardocupcake. (NORA CALDERON)