INSPIRADO na raw ngayon si Joem Bascon sa kanyang showbiz career. Ipinagmamalaki niyang naka-recover na siya at desidido nang pag-ukulan ng atensiyon ang kanyang trabaho.

Joem Bascon
Joem Bascon
Inamin ng actor na naligaw siya noon dahil sa pag-ibig. Mas binigyan niya ng prayoridad ang lovelife niya kaya naisantabi ang kanyang acting career.

Hindi ikinahiyang aminin ni Joem dahil din sa pag-ibig kaya medyo tumaba siya at nawalan ng ganang harapin ang trabaho.

Gayunpaman, masasabi raw niyang masuwerte pa rin siya dahil isa siya sa mga napiling maging bida kasama sina Bianca King at Beauty Gonzales sa Pusong Ligaw, ang afternoon series ng ABS-CBN na napapanood after It’s Showtime.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Well, nakita ko na ulit ang puso ko, kaya sana hindi na ako maligaw,” napatawang banggit ni Joem.

Inamin din ni Joem na may karelasyon uli siya ngayon pero ayaw na muna niya itong pangalanan. Mahal na mahal daw niya ang bago niyang girlfriend at ipinagmamalaki niyang ito ang inspirasyon niya ngayon kaya sisisipag siya.

Wala pa silang pinag-uusapan tungkol sa kasal, pero ipnagdarasal niya sa Diyos na sana ay ito na ang kanyang forever.

“Lahat naman tayo, eh, ‘yun ang gusto natin, di ba? Pero ipon-ipon muna. Sinasagad ko rin ‘yung puwedeng mai-offer sa akin, ‘yung pagbibida. Kasi, di ba, kapag nagpakasal ka na, siyempre mag-iiba na ‘yung tingin ng mga viewers.

“‘Yung mga roles kasi minsan, parang plus factor na kahit may karelasyon ka, wala ka pang asawa. Naiintindihan naman niya ang trabaho ko at happy naman ako kung anuman ang meron kami ngayon,” kuwento pa ni Joem.

Samantala, isang Igorot na in love sa karakter ni Beauty Gonzales ang role ni Joem sa Pusong Ligaw. Papasok naman sa eksena si Bianca King na magiging dahilan kung bakit nasira ang pagkakaibigan nila ng una, huh!

Kasama nila sa cast ng Pusong Ligaw sina Sofia Andres, Diego Loyzaga, Enzo Pineda, Raymond Bagatsing at marami pang iba, mula sa direksiyon nina GB Sampedro, Elfren Vibar at Henry King Quitaina sa ilalim ng Star Creatives Production. --Jimi Escala