MAY sariling volleyball court si Nina Dobrev sa set dahil halos wala na siyang oras para magtungo sa gym.
Katapos lamang gawin ng 28-anyos na aktres ang final series ng sikat na TV show na The Vampire Diaries at kasalukuyan nang ginagawa ang pelikulang Departures, kasama sina Maisie Williams at Asa Butterfield. Dahil sa napakaabalang schedule, halos wala nang oras umalis sa site si Nina, kaya sinikap niyang matiyak na available ang lahat sa set, kabilang ang exercise equipment.
“Me and my girlfriend, who I work with a lot on set, do challenges every single day during our lunch break,” sabi ni Nina sa Teen Vogue. “We’ll do reverse lunges and planks to see how long we can go before someone gives up. I even asked one of the producers if he could build us a volleyball court and they did. (Being there) 12 hours a day...
sometimes I don’t have time to go to the gym.”
Bago ipalabas ang Departures sa 2018, mapapanood muna si Nina sa mga pelikulang Crash Pad at Flatliners ngayong taon.
(Cover Media)