Piolo at Toni copy

IN full swing na ang shooting ng balik-tambalan nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga. Romantic-comedy na wala pang title ang follow-up movie sa monster hit nilang Starting Over Again. 

Pinaghandaan nang husto ni Piolo ang pelikula nilang ito ni Toni. 

“Well, nag-start na kami ni Toni ng bago naming movie, kaya mukha akong ermitanyo ngayon kasi para ito sa pelikula namin,” sey ni Papa P. 

Human-Interest

Guro, kumasa sa ipon challenge para mabigyan ng Christmas party kaniyang advisory class

Sadyang nagpahaba ng bigote si Piolo para sa role na ginagampanan sa pelikula nila ni Toni. Pero ayaw na munang magkuwento si Piolo kung bakit kailangan niyang magmukhang ermitanyo para sa pelikula nila. 

Ano ba talaga ang papel niya? 

“Siguro sa umpisa, eh, ganito ang ayos ko. Pero midway through the film puwede na mag-ayos. Ngayon, hindi pa talaga p’wedeng mag-shave hangga’t hindi pa tapos ang kalahati ng pelikula. 

“Sa totoo lang, eh, medyo mahirap kasi mukha akong sanggano,” napatawang banggit ng mabait at magaling na actor. 

Malayo sa dating ginampanan nilang characters ni Toni sa Starting Over Again ang roles nila ngayon. Pero may kilig at nakakatawa pa rin daw ang bagong pelikula nila. 

“Medyo may pinagdadaanan lang kaya medyo new look din. It’s not heavy drama, romantic-comedy ang movie” sey ni Piolo 

Aminado si Piolo na mahirap pantayan ang Starting Over Again. Pero... 

“Maganda ‘yung story ng new movie namin, something new,” dugtong ng actor. 

Umaasa si Piolo na susuportahan uli ng kanilang fans at supporters ang bagong project nila ni Toni. (JIMI ESCALA)