SEOUL (Reuters) — Nagpakawala kahapon ng ballistic missile ang North Korea na bumabalewala sa babala ng United States at ng China, kinumpirma ng militar ng South Korea at U.S.

Pinakawalan ang missile mula sa hilaga ng Pyongyang, ang kabisera ng North, ngunit ito ay pumalpak, ayon sa mga opisyal ng U.S. at South.

Isinagawa ang missile test-fire ilang oras matapos magbabala ni U.S. Secretary of State Rex Tillerson na ang kabiguan ng U.N. Security Council na mapigilan ang nuclear at ballistic missile program ng North Korea ay maaaring mauwi sa “catastrophic consequences.”

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM