Johnny Depp copy

GINULAT ni Johnny Depp ang mga bisita sa Disneyland sa California nang lumabas siya bilang si Captain Jack Sparrow sa Pirates of the Caribbean ride nitong Miyerkules.

Binigyan ng pagkakataon ng 53-anyos na aktor, muling mapapanood sa mga sinehan bilang ang dishevelled pirate sa susunod na buwan, ang mga bisita ng theme park sa Anaheim na makita ang kanyang pamosong karakter sa tunay na buhay sa indoor boat ride, na inspired ng swashbuckling movie franchise.

Ikinatuwa ng fans ang surprise appearance ni Johnny, at kanya-kanyang post sila ng mga video sa social media habang nakikipag-usap si Captain Jack sa mga dumaraang sakay ng mga bangka.

Human-Interest

Ang Pasko sa loob ng selda at mga munting hiling sa likod ng rehas

Sa mga video, nagbiro si Johnny na nais niyang maging “commandeer” ng kanilang barko, isang linya mula sa unang pelikula at binati ang fans sa harap ng ride habang nakasandal siya sa dulo ng balkonahe.

Ang apat na unang pelikula ng Pirates of the Caribbean ay kumita ng mahigit $3.7 billion sa mga sinehan sa buong mundo. Sa ikalimang pelikula, ang Pirates of the Caribbean: Dead Men Tell No Tales, muling makakaharap ni Captain Jack ang kanyang mga dating kalaban, sa pangunguna ng ghost pirate na si Captain Salazar na ginagampanan ni Javier Bardem.

Ang pagbisita ni Johnny sa Disneyland ay hindi ang unang paglabas niya sa publiko bilang ang iconic character dahil madalas siyang magdamit bilang si Jack kapag bumibisita sa mga bata sa Great Ormond Street hospital ng London na gumamot sa renal failure ng kanyang anak na si Lily Rose noong 2007. (Cover Media)