Arestado ang isang Chinese na umano’y nagnakaw ng isang pares ng sandals, na nagkakahalaga ng P200, sa isang supermarket sa Quezon City.

Kasalukuyang nakakulong si Jian Guo Zhang, tubong He Bei, China, sa Quezon City Police District headquarters sa Camp Karingal at nakatakdang maharap sa kasong theft sa pagtatangkang umalis nang hindi binabayaran ang sandals na kanyang kinuha mula sa isang supermarket sa panulukan ng E. Rodriguez Sr. Avenue at G. Araneta Avenue.

Ayon kay sa awtoridad, dakong 7:30 ng gabi nitong Huwebes ay nagtungo si Zhang, na pansamantalang tumutuloy sa bahay ng isang kaibigan sa nasabing lungsod para magbakasyon, sa supermarket at kinuha ang sandals na tig-P199.75.

Sinuot ni Zhang ang sandals at iniwan ang kanyang tsinelas. Gayunman, hindi nagpunta sa cashier ang dayuhan upang bayaran ang sandals at pasimpleng lumabas ng supermarket. Nakita siya ng guwardiya at kinuha sa kanya ang sandals.

Bilang ng operasyon ng POGO sa bansa, bumaba sa 17 bago matapos ang 2024

Desidido umano ang supermarket officials na magsampa ng kaso laban kay Zhang. (Vanne Elaine P. Terrazola)