Mahigpit na binabantayan ng Pilipinas ang sitwasyon sa Chile matapos tumama ang 6.9 magnitude na lindol sa Valparaiso, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon.

Ayon sa DFA, puspusan ang pakikipag-usap ng Embahada ng Pilipinas sa Santiago sa mga Pilipino sa Chile.

Batay sa ulat na natanggap ng kagawaran sa Embahada, walang nasaktan o namatay na Pilipino sa nangyaring malakas na lindol doon.

Maaaring makipag-ugnayan sa Embahada ng Pilipinas sa Felix de Amesti No. 367 Las Condes, Santiago, Chile na may telepono bilang (+562) 2208-1313; 2208-1939, Emergency No. (+569) 9427-20320, Hotline No. (+562) 2228-1670 at puwedeng mag-email sa [email protected] / [email protected] / [email protected] - Bella Gamotea

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar