Angel copy

MARAMING kapwa artista ang naku-curious din kina Alden Richards at Maine Mendoza, na two years na ang love team sa July 16. Sa loob ng dalawang taon, malakas pa rin ang suporta ng fans sa kanila.

Isa si Angel Locsin sa interesadong makatrabaho sina Alden at Maine. Dating Kapuso artist si Angel bago naging Kapamilya.

Sa isang interview, natanong si Angel kung sino among the young love teams ang gusto niyang makasama o makatrabaho.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Gusto kong makatrabaho sina Maine at Alden,” sagot ni Angel. “Medyo impossible na mangyari dahil nasa kabilang channel sila. Siguro dahil familiar na ako masyado sa KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla), LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil), at JaDine (James Reid at Nadine Lustre), pero puro kuwento lang ang naririnig ko kina Maine at Alden.

“Si Alden nakasama ko na siya noon, hindi ko alam kung natatandaan pa niya, pero lagi niyang nilalaro ‘yung dog ko, kaya natutuwa ako sa kanya, hindi pa siya big star noon, kaya curious ako sa kanila. Marami akong naririnig na magandang stories about them, kaya interesado akong makasama sila.”

Kaya naman nag-post ang AlDub Nation sa social media na sana raw ma-push ito at nakikiusap sila sa may hawak ng kani-kanilang career na isang dream project ito na puwedeng maging reality. (NORA CALDERON)