04242017_NCRPOGALUGAD_ROMERO-7 copy

Iba’t ibang kontrabando ang nasamsam ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa ikinasang “Oplan Galugad” sa Camp Bagong Diwa, sa Taguig City, kahapon ng umaga.

Ayon kay NCRPO chief Director Oscar Albayalde, ito ay bahagi ng kanilang target hardening measures na una nang isinagawa noong Miss Universe pageant at Traslacion.

Nitong Linggo, nasa 19 na cell phone ang nakuha mula sa high-profile inmates sa SICA 1.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa nakalipas na mga araw, ginalugad na rin ng Philippine National Police (PNP) ang mga selda sa Camp Bagong Diwa bilang paghahanda sa 30th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit. (Jun Fabon)