Inanyayahan ng gobyerno ng Pilipinas ang puwersa ng United States na sumama sa pagsasanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Mayo 8 hanggang 19, sa ibaā€™t ibang lugar sa Luzon at Visayas.

Sa ulat ng US embassy kahapon, isasagawa ang Balikatan 33-2017 sa Panay, Leyte, at Samar.

Magtutulungan ang mga sundalo ng dalawang bansa sa pag-renovate sa limang eskuwelahan at magsasagawa rin ng community medical engagements sa mga lokal na residente sa pagbubukas ng 12-day military training exercise.

Ang preliminary work sa mga proyektong pang-imprastruktura ay sisimulan sa kalagitnaan ng Abril.

National

Clothing store, nag-sorry sa customer na pinaalis dahil sa stroller ng anak na PWD

Kabilang sa Balikatan 33-2017 ang high value training events na dinisenyo sa pagpapabuti sa mga kapabilidad ng parehong AFP at US armed forces.

Nakatuon ang training sa humanitarian assistance at disaster relief operations upang maging mas epektibo at lalong mabilis ang pagtugon sa tuwing may mga kalamidad at iba pang krisis na nagdudulot ng panganib sa kalusugan at kaligtasan ng publiko.

ā€œBalikatan is designed to meet current challenges facing the Philippines,ā€ sabi ni Molly Koscina, US Embassy Press AttachĆ©.

ā€œAlong with preparing the US forcesā€™ and AFPā€™s ability to respond to natural disasters and deliver humanitarian aid, Balikatan will also increase our militariesā€™ counterterrorism capabilities,ā€ dugtong niya.

Ang Balikatan ngayong taon ay malaking tulong sa mga sundalong Pilipino at Amerikano na magkasangga sa pagpapabuti ng kanilang kapabilidad sa paglaban sa terorismo.

Sa gitna ng Balikatan, magsasagawa ang US at Philippine forces ng operational and counterterrorism training exercises sa iba pang larangan ng kasanayan kabilang ang live fire advanced marksmanship, counter improvised explosive devices (IED), maritime interdiction, at amphibious raids.

Dahil sa Balikatan, magtutuluy-tuloy naman ang kolaborasyon ng Pilipinas at Amerika sa ibang kaalyadong bansa sa rehiyon.

Sasali ang mga puwersa mula sa Australia at Japan sa major training events. (Bella Gamotea)