Lady Gaga copy

MULA sa kanyang puso, nagbigay ng tribute si Lady Gaga sa kanyang kaibigan na si Sonja Durham na may cancer sa kanyang headlining performance sa Coachella Valley Music and Arts Festival sa Indio, California nitong nakaraang Sabado.

Nasa entablado ang 31-anyos na pop star at kinakanta ang kanyang mga patok na awitin kabilang ang Born This way, at Bad Romance nang biglang maging seryoso sa pagbibigay ng mensahe.

“My friend Sonja is very sick and I love her so much and if it’s OK with you, I’d like to sing this song for her,” saad niya sa crowd, na naging emosyonal nang awitin niya ang stripped rendition ng Edge of Glory.

Human-Interest

'Heat wave' nanguna sa 2024 top Google search ng mga Pinoy!

“I’m sorry you don’t feel well,” ani Gaga sa gitnang bahagi ng awitin. “We all wish you were here with us.”

Nakikipaglaban sa stage IV cancer si Durham, na nagsilbing assistant ni Gaga, at ikinasal sa matagal na nitong kasintahan na si Andre Dubois noong nakaraang buwan sa tulong ni Gaga at ilang pa mga kaibigan nila.

Sa kanyang blog, pinasalamatan ni Durham ang Million Reasons singer sa kanilang pagkakaibigan at magandang kalooban nito, at tinawag pang “guardian angel” niya si Lady Gaga.

“Honestly, if it wasn’t for Gaga and the financial contributions from everyone so far I really do not think I would be here,” saad niya. “Let’s just say I understand why people give up and die because they do not have the resources that I have been given.”

Pinalitan ni Gaga sa Coachella ang dapat na headliner na si Beyonce, na nagpahayag nitong huling bahagi ng Pebrero na hindi makakapagtanghal dahil sa payo ng kanyang mga doktor. Nagdadalantao sa kanyang kambal si Beyonce. (Us Weekly)