Mga laro ngayon

(Araneta Coliseum)

4:15 n.h. -- Globalport vs Mahindra

7 n.g. -- Ginebra vs Talk ‘N Text

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

KAPWA itataya ng crowd-favorite Barangay Ginebra at Talk ‘N Text ang winning streak upang patuloy na makaagapay sa mga lider sa pagtutuos nila ngayong gabi sa pagpapatuloy ng 2017 PBA Commissioners Cup sa Araneta Coliseum.

Magtutunggali ganap na 7:00 ng gabi ang Kings na may naitalang three-game winning streak at Katropa na may five-game winning run.

Mauuna rito, nakatakdang magharap sa pambungad na laban ang Globalport at Mahindra ganap na 4:15 ng hapon.

Huling tinalo ng Texters ang Globalport Batang Pier noong Biyernes sa iskor na 109-88 sa pamumuno ni import Donte Greene na may 33-puntos.

Sa kabilang dako, huling ginapi ng Kings ang NLEX Road Warriors noong nakaraang Abril 19 sa iskor na 101-92.

(Marivic Awitan)