MINNEAPOLIS (AP) — Naipanalo ng isang Muslim teen boxer mula sa Minnesota ang apela na payagan siyang lumaban sa boxing ring suot ang ‘hijab’.
Pinayagan din si Amaiya Zafar na lumaban na balot ang katawan batay sa sinusunod na ‘religious beliefs’ sa kompetisyon na nasa pangagasiwa ng USA Boxing exemption,ayon sa ulat ng The Star Tribune.
Ang normal na suot ng mga boxer sa torneo ay sleeveless jersey at shorts.
“This is a big step,” sambit ni Nathaniel Haile, coach ni Zafar. “She’s put a lot of labor into this. She earned the right to showcase her skills, and I’m happy for her. But it’s just the first step in letting her achieve her dreams.”
Sa isang torneo sa Florida, hindi pinayagan ang 16-anyos na si Zafar na lumaban na suot ang tradisyon na ‘hijab’ – isang headscarf na isinusuot ng mga babaeng Muslim.
Ayon kay Zafar, target niyang makalaro sa 2020 Olympics sa Tokyo, Japan. Ngunit, kailangan niyang makumbinsi ang international boxing organization (AIBA) na lumaban sa kanyang tradisyunal na pananamit.