richard copy copy

NAHAHARAP ngayon sa P38.5 million tax evasion case sa Department of Justice (DoJ) ang movie at television actor na si Richard Gutierrez.

Mismong si Commissioner Caesar R. Dulay ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang naghain ng reklamo matapos umanong balewalain ng ilang beses ng R Gutz Corporation, na pinamamahalaan ni Richard, ang tax collection notices.

Ibinunyag ng tax examiners ang delinquent account ng nasabing entertainment outfit sa pamamagitan ng confidential documents na ipinagkaloob ng isang informant na hindi nagtagal ay kinumpirma ng GMA Television Network.

Human-Interest

Ang Pasko sa loob ng selda at mga munting hiling sa likod ng rehas

Ayon sa GMA, binayaran nila ng P663 milyon ang R Gutz ng Annapolis Street, San Juan City para sa serbisyo nito noong 2012.

Ngunit naiulat na hindi naghain ng income tax return ang R Gutz noong 2012 gayundin ang quarterly value-added tax returns maliban sa first quarter.

Ang R Gutz ay may kinalaman sa production at advertisement ng mga pelikula, television show at iba pang entertainment gaya ng sports, promotion of talents at live shows para sa local and international audiences.

Samantala, naghain din ang BIR ng hiwalay na tax cheating charges laban sa dalawa pang business executive at isa umanong BIR fixer.

Kinilala ang sinasabing fixer na si Fe Velasquez Quiambao ng Tangali St., San Jose, Quezon City na nagkakaloob umano ng pekeng Transfer Certificate Title (TCT) sa kanyang mga kliyente.

Ang dalawa pang kinasuhan ay sina Francisco Chiang, president ng Rising Giant Commercial Corporation sa Monte Vista, Cainta, Rizal; at Raymund Magdaluyo, president ng RMCN Seafood and Steak, Inc. sa Tomas Morato, Quezon City.

(JUN RAMIREZ)