KUWAIT CITY — Magandang balita sa mga video gamer.

Ipinahayag ng Olympic Council of Asia (OCA) nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) ang desisyon na isama bilang regular sport sa 2022 Asian Games ang Video gaming.

Ayon sa OCA kabilang na ang Video game sa regular medal sports sa Asian Games sa Hangzhou, China. Gagawin naman ang sports bilang demonstration sport sa 2018 Asian Games in Palembang, Indonesia.

Iginiit ng OCA na ang desisyon at bunsod ng “the rapid development and popularity of this new form of sports participation among the youth.”

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nakikipag-ugnayan na ang OCA sa Alisports, bahagi ng pamosong Alibaba Group ng China, para pangasiwaan ang E-Sports.

Wala pang opisyal na pahayag kung anung klaseng video game ang paglalaruan.

Hindi na bago sa Asian Games na laruin ang mga traditional Olympic sports, gayundin ang regional sports na tunay namang kakaiba tulad ng sepak takraw, ang larong pinagsama ang istilo sa soccer at volleyball,gayundin ang kabaddi, isang contact team sport na nagmula sa India.