Laro Ngayon

(Aquinas gym)

7 n.g. -- FEU-NRMF vs Wang’s Ballclub

MAGKAKASUBUKAN ang defending champion FEU-NRMF-Gerry's Grill at Wang's Ballclub-AsiaTech sa maagang sagupaan ng title favorite ngayon sa 2017 MBL Open basketball tournament sa Aquinas gym sa San Juan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakatakda ang bakbakan simula 7:00 ng gabi kung saan kapwa magtatangka ang FEU-NRMF at Wang's na maulit ang kanilang panalo at makuha ang liderato sa torneo na itinataguyod ng Smart Sports, Dickies Underwear, Star Bread at Gerry's Grill.

Ang 1-2 punch ng FEU-NRMF na sina Fil-German sensation Glenn Gravengard at Clay Crellin ang inaasahang muling mamumuno sa Fairview, Quezon City-based team kasama sina ex-PBA star Jerwin Gaco at beteranong sina Erwin Sta. Maria at Edwin Asoro.

Umiskor ng kabuuang 32 puntos sina Gravengard at Crellin upang itala ang 89-57 panalo laban sa Victoria Sports-MLQU nitong Abril 8.

Ang 6-1 University of British Columbia Thunderbird ay nagpasiklab sa kanyang 11 puntos mula sa drive at mid-range jumper sa second quarter.

Sina Sta. Maria at Gaco ay nagpakitang gilas din sa kanilang double-digit score para sa FEU-NRMF nina businessman-sportsman Nino Reyes at coach Pido Jarencio.

Sumandal naman ang Wang's-AsiaTech sa dalawang pressure-laden free throws ni dating Arellano University standout Ralph Salcedo upang maungusan ang NCAA member Emilio Aguinaldo College, 82-81.

Makakasama ni Salcedo sa Pablo Lucas-mentored team sina Rey Publico, Mark Montuano, John Tayongtong, Eric King, Steven Cudal, Argen Sabalza at Mar Reyes.

Dalawa pang teams -- newly-crowned UNTV Season 5 champion Philippine National Police at dating NCAA titlist Philippine Christian University-- ang sasabak sa laban sa Sabado.

Ang PNP Responders ay pangungunahan nina Police Community Relations Group (PCRG) head Gen. Gilberto Cruz at Col. Jerome Balbontin at coach Eric Samson, habang ang PCU Dolphins ay pamumunuan nina PCU president Dr. Junifen Gauuan, ISPEAC head Dr. Putli Martha Ijiran, coach Elvis Tolentino at consultant Loreto “Ato” Tolentino.