RYZA copy copy

NAKITA namin sa SM Megamall last Tuesday ang magdyowang Paolo Barretto at Ryza Cenon.

Ang ganda-ganda ni Ryza kahit slight lang ang make-up at biniro namin kung bakit hindi siya kasama nina Sunshine Dizon, Mike Tan, Marco Alcaraz at Gabby Concepcion na nag-taping ng Ika-6 Na Utos sa Singapore.

“Hindi ako pinapasok,” sagot niya.

Sa istorya, hahabol sana sa airport si Georgia (Ryza) kay Rome (Gabby) na susundan si Emma (Sunshine) sa Singapore.

Human-Interest

Sinong may pagkukulang? LET examinee emosyunal, hindi nakakuha ng exam dahil na-late

Dahil walang passport at walang maipakitang tiket sa guwardya, hindi pinapasok sa airport si Ryza.

Ang daming viewers ng Ika-6 Na Utos na muhing-muhi kay Ryza kaya hindi siya mawalan ng bashers social media account niya. Hindi na lang binabasa ni Ryza ang bashings at hate comments para hindi siya ma-stress. Lagi lang niyang ipinapaalala na ginagawa lang niya ang kanyang trabaho at sinusunod ang nakasaad sa script at ang utos ni Direk Laurice Guillen. (Nitz Miralles)