HOUSTON (AP) — Ginapi ni top-seeded Jack Sock si Tommy Haas ng Germany, 6-4, 3-6, 6-3, nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) para pangunahan ang limang Americans sa quarterfinals ng U.S. Men’s Clay Court Championship.

Hataw din sina second-seeded John Isner, third-seeded Sam Querrey, fourth-seeded Steve Johnson at unseeded Ernesto Escobedo tungo sa final eight sa River Oaks.

Nakopo ni Sock ang titulo rito noong 2015 para sa unang ATP Tour title. Makakaharap niya sa susunod na round si sixth-seeded Feliciano Lopez ng Spain, nagwagi kay Chung Hyeon ng South Korea, 4-6, 6-2, 6-1.

Naungusan ni Isner si Argentina’s Leonardo Mayer 6-7 (5), 7-6 (3), 6-3. Mapapalaban ang 2013 winner kay Escobedo, nagwagi kay Thiago Monteiro ng Brazil, 4-6, 6-4, 6-4.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Makakaharap naman ni Johnson si fifth-seeded Fernando Verdasco ng Spain. Namayani si Johnson kay Germany’s Dustin Brown 7-6 (12), 6-4, habang pinataob ni Verdasco si Argentina’s Nicolas Kicker 7-6 (4), 6-1.

Naisaayos naman ni Querrey ang duwelo kay eighth-seeded Thomaz Bellucci ng Brazil. Tinalo ni Querrey si Argentina’s Horacio Zeballos, 6-4, 6-4, habang nangibabaw si Bellucci kay Argentina’s Maximo Gonzalez 2-6, 7-6 (5), 6-2.