MAKATULONG sa mga manlalarong nangangarap na makaabot at makapaglaro sa professional league ang pangunahing layunin kung bakit binuo ang koponang Flying V Thunder para sa PBA D League.

Mismong si Flying V chairman Chito Villavicencio ang nagsabing walang plano ang kanilang kompanya na lumahok sa PBA.

Sapat na aniya sa kanila ang makatulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng oportunidad sa mga aspiring PBA players.

“For you to be in the PBA, you have to do a lot of things to deserve that. You can’t do that in one year or two years. You have to work it out and deserve it kasi may screening din ‘yan,” ani Villavicencio sa isang simpleng press conference sa Flying V office sa Quezon City.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Aniya, nakatuon ang pansin nila sa PBA D-League kung saan nakatakdang sumabak ang kanilang koponan na tatampukan ng mga players na pawang nagnanais na maging big time sa hinaharap.

“The more teams there are in the D-League, the more players (are given chances). I am trying to give more chances for potential players to show their wares and that’s one of the reasons why we formed a team,” ayon kay Villavicencio.

Hindi rin aniya sila umaasang magkakampeon ang koponan sa unang taon sa kabila ng pagtimon ng beteranong coach na si Eric Altamirano.

“Of course, we are positive. It depends on the players that we will get. No pressure. The important thing is to join and we are part of it,” ani Villavicencio.

Nakatakdang ihayag at ipakilala ang mabubuong Flying V Thunder sa katapusan ng Abril. (Marivic Awitan)