PUMANAW ang beteranong coach na si Senen Dueñas nitong Abril 12 sa edad na 52 dulot ng komplikasyon sa kanyang operasyon sa dibdib sa Delos Santos Medical Center.

Nagsilbi si Duenas bilang assistant coach ng Globalport Batang Pier sa PBA, University of Santo Tomas sa UAAP at Ironcon Builders sa MBL.

Bahagi siya sa matikas na bench tactician ni Pido Jarencio nang tanghaling kampeon ang UST Tigers sa UAAP noong 2006.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Naglaro rin siya ng football sa UST sa dekada 80.

Naulila niya ang maybahay na si Annalyn de Castro, mga anak na sina Lorcan Nathaniel Dueñas, Nathan Sean Dueñas at Lanse Inigo Dueñas, mga kapatid na sina Dulce Dueñas Carlos, Myrna Dueñas Buencamino at Belcy Dueñas Tualla at mother-in-law Lorna Alvero.

Nakahimlay ang kanyang mga labi sa Sanctuarium sa Araneta Ave., Quezon City. Wala pang opisyal na petsa para sa libing. Hinihiling ng kanyang pamilya ang panalangin para sa mapayapang paglalakbay ng kanyang kaluluwa.