MAGKAKAROON ng enggrandeng pagbubukas ang Bangus Festival 2017 sa Linggo ng Pagkabuhay, Abril 16, sa masaya at kapana-panabik na seremonya nito sa Tondaligan Blue Beach.

Idedeklara ni Mayor Belen T. Fernandez ang pormal na pagbubukas ng 2017 Bangus Festival sa pagsisimula ng “Bangus Flash Parade”, ayon kay Epee R. Rafanan, ang executive chairman ng festival.

Magsisimula ang parada sa umaga, sa Tondaligan Road, simula sa highway hanggang sa pagdarausan ng programa.

“The concept of the Bangus Flash Parade is to gather a group of people coming from different directions who will march together, meet along the way going towards one direction under the baton of the University of Luzon Drum and Bugle Corps,” ani Rafanan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kasunod ng pormal na deklarasyon ng pagbubukas ng 2017 Bangus Festival, pangungunahan nina Mayor Fernandez at Rafanan ang pagpapalipad ng lobo na magsisimbolo kung paano umunlad ang lungsod na kaugnay sa konsepto ni Fernandez ng Balon Dagupan.

Patunay ang Tondaligan Blue Beach kung paano umuunlad ang Dagupan makaraang ayusin ng alkalde ang dalampasigan na nagbigay-daan upang mas mag-enjoy ang mga turista at mga residente.

“This is why we saw it fit to conduct the grand opening of the Bangus Festival here this year to showcase the recent development in the area vis-a-vis the city’s tourism promotion program,” sabi ni Rafanan.

Isasagawa buong araw ang grand opening na katatampukan ng mga aktibidad, tulad ng “Zumbangus”, “Galaw na Ogogaw”, skim boarding, sand sculpture, at “Sayawan ed Tondaligan”.

Ang Zumbangus at ang Sayawan ed Tondaligan ay maaaring lahukan ng kahit sino, ayon kay Rafanan.

Samantala, magsasagala ang Galaw na Ogogaw ng mga laro tulad ng “guyuran ed buer” (tug of war), palo sebo, sack race, tumbang preso, luksong tinik, at iba pa.

“We are inviting everyone to join our grand opening ceremony at Tondaligan and together let’s enjoy the activities in store for everyone,” sabi ni Rafanan. (PNA)