Erwin_Tulfo copy copy

ILANG araw nang usap-usapan ang diumano’y resignation ni Erwin Tulfo bilang co-anchor ng Aksyon, ang primetime newscast ng TV5.

Napansin ng suking viewers ng Aksyon na halos isang buwan nang hindi napapanood ang matapang na broadcaster. Tanging ang main anchor ng newscast na si Luchi Cruz-Valdes ang napapanood gabi-gabi.

Ayon sa isang ulat ng PEP, hanggang Hunyo na lamang mananatili si Erwin sa TV5 at may balitang lilipat na raw ito sa ibang network.

Human-Interest

'Heat wave' nanguna sa 2024 top Google search ng mga Pinoy!

Ayon sa source, nag-temporary leave lamang daw si Erwin sa primetime newscast ng istasyon, pero nauwi ito sa tuluyan niyang pagre-resign dahil sa pagkakatanggal ng kanyang crew nang magkaroon ng downsizing sa news department ng TV5.

Ilang cameramen at assistant cameramen ang tinanggal at ang iba’y nag-avail na lamang ng early retirement. Ito rin umano ang itinuturong dahilan kung bakit hindi na nag-renew ng kanyang kontrata sa Aksyon ang palabang news anchor.

Gayunpaman, nananatili pa rin siya sa kanyang programa sa Radyo Singko na Punto Asintado tuwing umaga. (Ador Saluta)