The Chainsmokers copy

NANGUNA ang rapper na si Drake at EDM duo na The Chainsmokers sa Billboard Music Awards na mayroong tig-22 nominasyon.

Inihayag ng Dick Clark productions nitong Lunes na record breaker ang naturang performers sa nakuhang pinakamaraming nominasyon sa isang taon. Ipalalabas ang 2017 awards show sa Mayo 21 mula sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.

Ang iba pang big contenders ay ang Twenty One Pilots, na may 17 nominasyon, at si Rihanna (14).

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kasama rin sa mga nominado sa pinakamalaking awards sina Adele, Beyonce, Justin Bieber, The Chainsmokers, Drake, Ariana Grande, Shawn Mendes at The Weeknd.

Nominado naman para sa top albums sina Beyonce, Drake, Rihanna, Twenty One Pilots and The Weeknd.

Mayroong 52 kategorya ang Billboard Awards. Ipapalabas nang live ang show sa ABC. (AP)