SHARON copy

HUMINGI ng paumanhin si Sharon Cuneta sa kanyang fans, lalo na sa supporters ng Sharon Cuneta-Gabby Concepcion tandem na hindi na matutuloy ang dapat sana’y reunion movie nila ng ex-husband.

Ayon sa Facebook (FB) post ng megastar, sa halip na Sharon-Gabby project, inilatag sa kanya ng Star Cinema ang pelikulang pagbibidahan niya kasama ang ilang bigating Kapamilya stars.

Pinag-usapan nang husto nitong mga nakaraang buwan ang Sharon-Gabby film project nang biglang kumalat ang isyu na nagdi-demand daw si Gabby ng P10-M talent fee sa Star Cinema.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Kumbaga, presyong “take it or leave it”, ayon sa showbiz observers. ‘Yun nga lang, hindi na ito pinatulan pa ng produksiyong nagpaplano ng reunion movie sana ng bagong pelikula ng isa sa mga love team na nagtala ng mataas na box office income.

Mensahe ni Sharon sa kanyang post sa FB, “Thanks for all your prayers and I am sorry it’s not pushing through. But please be happy for me -- because I am very happy with my new project which Star Cinema is now preparing! God bless us all. Good night and love you guys!”

Huling nagkasama sa isang pelikula sina Sharon at Gabby noong 1992 sa pelikulang Tayong Dalawa.

Samantala, aliw na aliw ang Sharonians sa playful post ni Sharon na nakasuot siya ng headgear ni Darna:

“The headpiece is heavy, daahling. This is where it’s always belonged. Waaaaahahahahahahahaha! Joke! Na miss ko lang nu’ng ako si Darna!” sabi ng Megastar sa post.

Umani na ito ng 9,300 likes at 67 shares. (ADOR SALUTA)