BIEL, Switzerland (AP) — Maagang nasibak si dating U.S. Open runner-up Roberta Vinci nang gapiin ng ranked No.35 na si Kristyna Pliskova ng Czech Republic, 6-4, 6-4, sa pagsisimula ng Biel Ladies Open nitong Lunes (Martes sa Manila).

Ang laban ang simula ng main draw sa 2,500-capacity show court ng Swiss Arena na host sa unang pagkakataon ng WTA Tour.

Ilang seeded player din ang sumunod kay Vince sa shower room nang mabigo si No.8 Monica Niculescu ng Romania kay Elise Mertens ng Belgium 6-2, 6-2.

Umusad naman si Mona Barthel ng Germany nang magwagi kay Jana Cepelova ng Slovakia 6-3, 6-4.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?