PATULOY na pinalalaganap ng ABS-CBN ang digital television sa Pilipinas. Sa katunayan, ang kauna-unahang digital terrestrial television sa bansa ay nakabenta na ng 2.6 milyon units ngayong Marso.

Kasabay ng paglaki ng benta ng TVplus ang pagtaas ng audience share ng ABS-CBN. Ayon sa Kantar Media, tumaas ito ngayong 2017 sa 36% mula 30% noong 2015 sa Mega Manila. Tumaas din ang ratings ng ABS-CBN sa Mega Manila, na dating 11% noong 2015 at ngayon ay 14% na.

Ayon kay Chinky Alcedo, head ng ABS-CBN Digital Terrestrial Television (DTT), patuloy na sumusuporta ang ABS-CBN sa Department of Information and Communication Technology (DICT) para mas maraming Pilipino ang makinabang sa benefits ng ABS-CBN TVplus.

“We are in full support of the DICT in accelerating the shift from analog to digital because we believe there is a massive need for Filipinos to experience digital TV,” sabi ni Alcedo.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Maraming customer ang natutuwa sa features ng ABS-CBN TVplus tulad ng mas klarong reception at mga bagong premium channels na hindi kailangang bayaran ng monthly fees, kaya 26% na ng mga bahay ng C2D market ay nag-avail nito ngayong 2017.

Ipinamahagi ang magandang balita sa advertisers sa ABS-CBN trade fair nitong March 30, at ipinakita ang patuloy na pagtaas ng demand sa TVplus boxes.

Noong first quarter ng 2016, tinawag ng DICT ang broadcast companies na ilipat ang kanilang mga content sa digital TV.

Umabot na rin sa Davao ang signal coverage ng ABS-CBN TVplus noong Marso. Ngayon, umaabot na sa Davao City, Island Garden sa Samal, Asuncion, Carmen, City of Tagum, Digos, Hagonoy, Kapalong, Laak, Mabini, Maco, Malalag, New Corella, Padada, Panabo, Pantukan, Santa Cruz, Santa Maria, at Sulop ang mga makikinabang sa DTT.

Kasama sa benefits na makukuha rito ang access sa malinaw na pagpapalabas ng entertainment, information, at educational TV content at ang pagiging pasok sa budget.

Ayon kay Alcedo, hindi kayang bayaran ng 80% ng mga pamilya sa Pilipinas ang regular cable TV. Dahil dito, kailangan nilang tiisin ang mababang kalidad at kakaunting free channels sa analog TV.

Dahil sa ABS-CBN TVplus, malaki ang improvement ng kalidad ng serbisyo na matatamo ng manonood dahil sa free-to-air digital channels na nakukuha sa ABS-CBN TVplus.

“ABS-CBN has the conviction that digital TV has a transformational role in nation building because it empowers our citizens by giving them more choices,” sabi ni Alcedo.

Bukod sa mga free-to-air channels na ABS-CBN at all day sports channel na S+A, marami ring exclusive channels ang mapapanood sa ABS-CBN TVplus. Cinemo, ang all-day movie channel; Yey! ang all-day children’s entertainment channel; Knowledge Channel, ang educational channel na puno ng mga curriculum-based programs; at DZMM TeleRadyo, na may live TV broadcast ng mga programma sa DZMM radio.

Mayroon ding built-in emergency warning broadcast system (EWBS) ang ABS-CBN TVplus na isinakatuparan kasama ang gobyerno. Gamit ang TVplus, maaalerto ng mga government agencies ang mga ABS-CBN TVplus users kapag may kalamidad, at ipapaalam sa kanila ang mga kailangan gawin upang maligtas.

Noong 2016, nagtulungan ang ABS-CBN TVplus at ang mga partner schools ng Knowledge Channel para makasali ang mga estudyante sa Metro Manila-wide earthquake drill gamit ang EWBS.

Sinimulan na rin ng ABS-CBN TVplus ang Kapamilya Box Office (KBO) upang maging mas accessible ang movie content sa mga pamilyang Pilipino, at magamit nila ito para sa bonding moments sa isa’t isa.

Ayon kay Alcedo, malaki ang kailangang investment upang lumipat sa digital, pero makikinabang naman dito ay ang mga pamilyang Pilipino.

“The migration will ultimately serve the Filipino family as they become more informed, entertained, educated, and empowered. As we say in ABS-CBN, we support this migration in the service of the Filipino people,” sabi niya.

Bukod sa Davao, ang signal coverage ng ABS-CBN TVplus ay umaabot sa Metro Cebu, Cagayan de Oro, Iloilo, Bacolod, Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Pangasinan, Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Benguet, at Cavite, at mahigit na sa two million ang users nito. Ang ABS-CBN TVplus ay nabibili sa one-time payment fee na P1,499.