Umiskor ng panalo si WBC Asian Boxing Council Continental Featherweight champion Silvester Lopez sa Japan pero tumabla lamang si super flyweight Eranio Semillano sa kanilang mga kalabang Hapones kamakailan sa Edion Arena sa Osaka, Japan.

Tinalo ni Lopez si Ryuto Koguchi sa 8-round split decision kaya umaasang mapapalaban sa OPBF title sa kanyang susunod na laban.

Nakipagsabayan si Lopez kay Koguchi para mamayani sa iskor ng dalawang huradong Hapones sa 76-75 at 78-75 samantalang isang hurado ang kumampi sa kababayan nito sa iskor na 77-76.

Tumabla naman si Semillano sa kalaban niyang si Takayumi Okumoto nang pumutok ang kanyang kilay at idineklarang patas ang laban via 7th round technical draw sa 8-round bout.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Isang hurado ang nagpanalo kay Semillano sa iskor na 77-76, isa ang nagbigay ng panalo kay Okumoto, 77-76, at isa pa ang umiskor ng 76-76. (Gilbert Espeña)