LORNA copy

NAGBABALIK Kapamilya si Lorna Tolentino sa isang natatanging pagganap bilang isang inang bilanggo na pinatunayan na hindi hadlang ang rehas para maging isa siyang mabuting ina ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya.

Taong 2008 nang makulong sa isang kasong may kaugnayan sa droga si Maya (Lorna). Simula noon ay lagi na siyang binibisita ng anak na si Joy (Alexa Ilacad) sa prison facility para sila ay magkasama.

Dahil sa madalas na pagpunta roon ay nakilala ni Joy si Rustom (Edgar Allan Guzman), isang binatang inmate na bibihag sa kanyang puso. Labis ang magiging pagtutol ni Maya sa kanilang relasyon na mas tumindi pa nang sumama si Joy kay Rustom nang ilipat ito sa Maynila.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Maisaayos pa kaya ang hindi pagkakaunawaan ng mag-ina? Paano dadamayan ni Maya ang anak kapag nalamang niloko ito ni Rustom gayong katatapos pa namang manganak?

Makakasama rin sa upcoming episode sina Alicia Alonzo, Minco Fabregas, Kyle Banzon, Gem Ramos, Gilleth Sandico, Cessa Moncera, at Mario Capalad, mula sa panulat ni Arah Jell Badayos at sa direksiyon ni Dado Lumibao.