WASHINGTON (Reuters) – Isang Chinese fighter plane ang naispatan sa islang inaangkin ng Beijing sa South China Sea, ang unang namataan sa loob ng isang taon at simula nang maupo si U.S. President Trump, iniulat ng isang U.S. think tank kahapon.
Sinabi ng Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI), bahagi ng Center for Strategic and International Studies ng Washington, na malinaw na nakita ang J-11 fighter sa satellite image na kuha noong Marso 29 sa Woody Island sa Paracel island chain.
“This isn’t a first, but it’s the first time in a year,” sabi ni AMTI director Greg Poling tungkol sa nakitang eroplanong pandigma.
Isang fighter plane lamang ang nakita sa imahe, ngunit sinabi sinabi niya na: “There are likely more in the hangars nearby.”