GABBY AT SHARON copy

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin sumusuko ang fans nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Umaasa pa rin silang matutuloy ang balik-tambalan ng mga idolo nila.

Hindi pa naman daw kasi tinuldukan ng dalawa ang posibilidad na magkasama silang muli sa pelikula.

Open pa rin si Sharon sa anumang bagong negosasyon hinggil sa comeback movie nila ni Gabby. Ganoon din naman si Gabby, willing naman daw ang actor na makatambal muli si Shawie.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

“Hindi ko pa rin talaga alam, kahit anong movie naman, eh, open naman ako,” sey ni Gabby na super busy ngayon sa commitments niya sa GMA Network.

Lead actor siya ngayon sa seryeng Ika -6 Na Utos at mainstay rin sa sitcom na Tsuperhero.

“Pero nasa schedule kung papasok, kung talagang magagawan ng paraan. Anytime naman kapag may time, basta ang importante pa rin ‘yung script, kahit saan mo dalhin ‘yan ang priority talaga,” sabi ng aktor.

Aware si Gabby na maraming tagahanga ng tambalan nila ni Shawie ang naghihintay sa kanilang reunion movie.

“Pero ang hirap sa akin talaga, eh, ‘yung time. Meron ngang ibang production na gustong mag-shoot sa akin, gumawa na ako ng indie, ‘yung Beyond the Crescent Moon, pagkatapos noon, eh, ang dami nang pumapasok.

“’Kaso naging busy kami dito sa Ika-6 Na Utos, meron pang Tsuperhero na matatapos na. Merong Uge pa. Sa totoo lang naman, eh, lahat ng mga Channel 7 shows, uunahin ko muna, priority ko sila. May kontrata kasi ako sa kanila,” sey pa ng actor. (Jimi Escala)