WASHINGTON (AP) – Inihayag ng administrasyong Trump nitong Lunes na babawasan nito ang ibinibigay na pondo ng United States sa United Nations agency para sa reproductive health, at inakusahan ang ahensiya ng pagsusuporta sa population control program sa China na kinabibilangan ng coercive abortion o sapilitang pagpapalaglag.

Sinabi ng State Department ang $32.5 milyong pondo na ibabasa sa U.N. Population Fund ay ililipat sa mga parehong programa ng U.S. Agency for International Development.

Binanggit na dahilan ng administrasyon ni President Donald Trump ang tatlong dekada “Kemp-Kasten Amendment” na nagbabawal sa U.S. na pondohan ang mga orgnisasyon na tumutulong o nakikisali sa forced abortion o involuntary sterilization.

Sa mahabang memorandum, sinabi ng State Department na ang U.N. fund ay nakikipagtulungan sa National Health and Family Planning Commission, na nagpapatupad sa “two-child policy” ng China – ang pinaluwag na bersiyon ng notoryus na “one-child policy” na ipinatupad mula 1979 hanggang 2015. Gayunman, inamin sa memo na walang ebidensiya na sinuportahan ng U.N. ang forced abortion o sterilization sa China.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture