RYAN JUDAY GLADYS CHRISTOPHER copy

KAHIT parehong busy sa kani-kanilang buhay, mapa-showbiz man o personal, napapanatili nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes ang kanilang pagiging matalik na magkaibigan.

Anuman ang okasyon sa buhay ni Gladys o ni Judy Ann, pareho silang gumagawa ng paraan upang magkasama at magkatsikahan.

Kahit pareho nang busy sa kani-kaniyang pamilya at trabaho, humahanap pa rin sila ng panahon para sa kanilang bonding time kasama ang kanilang respective kids.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Hindi na matitibag kahit na anupang bagyo na kagaya ng Ondoy ang friendship namin ni Judy Ann. Kahit anumang pang-iintriga pa, eh, hindi nila kayang buwagin ang pagiging number one naming magkaibigan,”sey ni Gladys.

Nag-umpisa ang pagkakaibigan nila nang magkasama sila sa seryeng Maria Clara noong 1992 at tumagal ng halos limang taon sa telebisyon.

Hindi makalimutan ni Gladys na minsan ding nasubok ng panahon, literal na panahon, ang kanilang pagkakaibigan nang dumating ang bagyong Ondoy.

Si Judy Ann ang unang tumulong mula sa umpisa pa lang at hanggang sa maibalik sa normal ang dinanas ng pamilya ni Gladys. Lumubog kasi sa malalim na baha ang bahay ng pamilya ni Gladys sa Vista Verde sa Cainta, Rizal.

“Ang mag-asawang Juday at Ryan ang tumulong sa amin at sa aming buong pamilya ni Christopher (Rojas) para makalabas kami sa village na halos lagpas sa bahay namin ang baha,” pagbabalik-tanaw ni Gladys. (JIMI ESCALA)