Bilang paghahanda sa darating na Semana Santa, hinigpitan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang inspeksiyon mga terminal ng bus, paliparan, pantalan at simbahan sa Metro Manila.

Bukod rito, maglalagay din ang NCRPO ng mga Police Assistance Desk (PAD) sa mga nasabing instalasyon, partikular sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), upang kaagad na matugunan ang anumang sumbong o suliraning idudulog ng mga pasaherong nag-uuwian sa iba’t ibang probinsiya para sa Mahal na Araw at bakasyon.

Sinabi ni NCRPO Regional Director Oscar Albayalde na ang mga pulis na nakatalaga sa PADs ang magmamantina sa kaayusan at katahimikan at magbibigay ng seguridad at ayuda sa mga pasahero.

Magkakaroon din ng PADs ang mga simbahan sa Kalakhang Maynila para tiyaking ligtas ang mga deboto at turista na magsasagawa ng Visita Iglesia sa Huwebes Santo (Abril 13) at Biyernes Santo (Abril 14).

Padilla, binara si Castro kontra VP Sara: 'Ipagpaliban muna maduming pulitika!'

Asahan din ng publiko ang karagdagang puwersa at presensiya ng mga pulis sa iba’t ibang lugar upang magpatrulya para masawata ang anumang posibleng krimen. (BELLA GAMOTEA)