Sinabi ng Uruguay navy nitong Linggo na nauubusan na ito ng pag-asa na matagpuan pang buhay ang 22 ng crew na nawawala dalawang araw matapos lumubog ang isang South Korean ore carrier sa South Atlantic, ngunit patuloy pa rin ang kanilang paghahanap.

Dalawang Filipino crew member ang nasagip sa lumulutang na balsa noong Sabado, ngunit ang ibang lifeboat at balsa na natagpuan sa lugar ay walang laman, iniulat ng Yonhap news agency ng South Korea.

“The more hours pass, the less the chances are of finding them,” pahayag ni Uruguayan Navy spokesman Gaston Jaunsolo sa Reuters.

Sinabi niya na nilipad ng eroplanong Brazilian ang lugar nitong Linggo ng umaga at isang Argentine war ship ang parating na rin para tumulong sa paghahanap. Lumubog ang barko noong Biyernes may 3,700 kilometro ang layo mula sa dalampasigan ng Uruguay, ayon kay Jaunsolo.

National

PBBM, lalagdaan 2025 national budget bago mag-Pasko – PCO

Walo sa mga nawawala ay South Korean at 14 ay Pinoy.

Naglalayag ang very large ore carrier (VLOC) Stellar Daisy na pag-aari at pinatatakbo ng Polaris Shipping ng South Korea na nakabase sa Busan, mula Brazil patungong China karga ang mga iron ore nang magpadala ito ng distress signal sa operator ng barko noong Biyernes, iniulat ng Yonhap.

Ang huling mensahe na natanggap noong Biyernes ng Polaris mula sa mga miyembro ng crew ay nagsasabing pinapasok na ng tubig ang barko at mabilis na tumatagilid, ayon sa Yonhap. (Reuters)