Ni NITZ MIRALLES

RYZA AT GABBY
RYZA AT GABBY
KAHIT Sabado, sinubaybayan pa rin ang Ika-6 Na Utos  at batay sa nabasa naming reactions sa social media, hindi nabawasan ang interes ng viewers sa favorite daytime program nila ng GMA-7. May humirit pa ngang gawin nang seven days a week ang airing ng show para tuluy-tuloy nilang napapanood.

Kaya lang, kailangan din ng pahinga sa taping ang cast lalo na sina Gabby Concepcion, Ryza Cenon at Sunshine Dizon. Four times a week na sila nagti-taping at dahil magho-Holy Week na, baka mag-advance taping pa sila.

Masaya si Ryza na six times a week na ang airing ng show nila dahil dagdag taping at ibig sabihin, dagdag talent fee rin. Ang kapalit nga lang ay pagod siya.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Kapag natatapos ang mga matitinding eksena, ang feeling ko drain na drain ako. Minsan, numb ako, may anxiety attack at hindi ako makahinga nang maayos. Minsan, nadadala ko sa bahay ang pagiging Georgia ko at konting bagay lang, nagagalit ako. Pati nga si Cholo(Pocholo Barretto, her boyfriend), inaaway ko minsan. Sasabihin na lang niya bumitaw ka na, alisin mo na si Georgia,” natatawang kuwento ni Ryza.

Ang kapalit naman ng mga nararamdaman niya ay satisfaction dahil sa magandang feedback sa acting niya na nagagalit ang mga tao. Pati sa social media, inaaway siya at pinagbabantaan.

“Sa isang mall show, natakot ako sa isang babae. Lumapit siya, nagpa-picture at nagpapirma. ‘Tapos, bumulong na gusto niya akong sampalin sa inis niya sa karakter ko. Mabuti naman at hindi niya ginawa,” kuwento ni Ryza.

Wala pang sinasabi ang mga taga-production kung kailan magtatapos ang Ika-6 Na Utos, kaya tuluy-tuloy lang ang pagsubaybay.