Ni JIMI ESCALA

Jake Cuenca
Jake Cuenca
KUWENTO sa amin ng manager ni Jake Cuenca na si Niel de Guia, kahit may mga iniinda pang masakit sa katawan si Jake Cuenca ay tuluy-tuloy pa rin ito sa kanyang showbiz commitments.

Wala raw kadala-dala kahit ilang linggo pa lang ang nakararaan nang maaksidente sa kanyang bisikleta habang nagsasanay sa Mall of Asia dahil sumabak na agad sa taping ng Ikaw Lang Ang Iibigin, serye na pinagsasamahan nila nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

May advice pa nga raw ang doctor ni Jake na bawal muna ang magtrabaho at kahit konting physical activity. Pero hindi ito sinunod ni Jake sa katwiran na kayang-kaya na raw niyang mag-taping.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sabi pa ni Kaibigang Neil, sa tagal na ng pagma-manage niya kay Jake, wala sa bokabularyo nito ang pagtigil sa hilig nito sa pagbibisikleta. Kaya kahit may dalawang butong nabali sa kamay, hindi pa rin ito mapigilan.

Panay pa rin ang training ng actor para sa sasalihang marathons, at parang wala man lang mabakas na trauma sa nangyaring aksidente.

Para kay Jake raw, ‘running is the best metaphor for life.’

Pero may naging aral naman daw kay Jake ang aksidente. Higit na itong maingat ngayon pero never isinisi ang pangyayari sa driver ng truck na nakabanggaan niya.